Tahimik ang gabi, Payapa ang lahat, Naro'n ang inang birhe't Anak! Banal na Sanggol ng pagliyag, Matulog nang panatag, Matulog nang panatag.
Tahimik ang gabi, Liwanag nang lahat, Mga anghel ay nagpahayag Sa mga pastol na nagalak, Aleluya sa Hari! Sa kay Kristong marilag.
Tahimik ang gabi, Diyos Anak, namalas, Sa mukha Mo ay sumisinag, Ningning ng biyayang namitak Nang sumilang Ka, Jesus, Sa sang-maliwanag.
Tahimik ang gabi, Tala ay sumikat; Tayo'y magsi-awit na lahat, Mga anghel saliwang ganap, Sumilang na sa hirap, Kristong Tagapagligtas.